December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse

Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse
Photo courtesy: Screenshots from Pinoy Big Brother (YT)

Dalawa sa mga itinuturing na "anak" ng evicted housemate na si Klarisse De Guzman, na sina Kapamilya celebrity housemate Esnyr at Kapuso celebrity housemate Will Ashley ang nagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa pagkaka-evict ng ShuKla noong Sabado, Hunyo 14.

Sina Esnyr at Will ang dalawa sa mga pinakaapektado sa paglabas ni Klang na siyang "mowm" o mother figure sa loob ng Bahay ni Kuya.

Kitang-kita ang pag-iyak ng dalawa sa hindi inaasahang pagkaka-evict ni Klarisse kasama ang ka-duo na si Shuvee Etrata.

KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Para kay Esnyr, malaki ang impact sa kaniya ni Klarisse dahil ang huli raw ang naniwala sa kakayahan niya. Naniniwala rin si Esnyr na sobrang deserve ni Klarisse na makaabot sa Big Night.

"Si Ate Klang po, siya po 'yong pinakamatalik kong kaibigan po dito Kuya, siya po 'yong una kong hinahanap po kada umaga, siya po 'yong sandalan ko Kuya. Siya po 'yong naniniwala sa akin, Kuya. First time ko pong makaramdam sa co-housemate ko po na niro-root niya po ako, Kuya, hanggang sa very end po ng competition po na ito, Kuya," anang Esnyr sa pakikipag-usap kay Big Brother sa confession room.

Si Will naman, sinabing nakita raw niya kay Klarisse ang comfort ng isang pagiging ina. Naging malaking bahagi rin daw si Klang sa kaniyang PBB journey.

"Naging malaking part lang din po kasi si Ate Klang sa journey ko po rito sa loob ng bahay n'yo, kaya ramdam ko po na parang nawalan po ako ng isang solid na kakampi rito. Isang magulang po, isang kaibigan din. Nasabi ko po sa inyo noon 'to, na naramdaman ko po 'yong comfort ng nanay kay Ate Klang..." paliwanag naman ni Will.

Samantala, inamin naman ng magka-duo na sina AZ Martinez at River Joseph na tila nakakaramdam sila ng guilt sa pag-nominate sa ShuKla na naging dahilan kung bakit sila ang evicted.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sobrang bigat!' AzVer nagi-guilty kung bakit napalayas ang ShuKla sa PBB

Pero muli silang magkikita-kita sa loob ng bahay ni Kuya dahil kasama si Klarisse sa 10 ex-housemates na officially house challengers para mapalabas ang pagpapakatotoo ng final duo na aabot sa Big Night.