December 13, 2025

Home BALITA Politics

VP Sara, walang balak kasuhan si Jaeger Tanco

VP Sara, walang balak kasuhan si Jaeger Tanco
Photo Courtesy: Screenshot from Inday Sara Duterte, COMM&SENSE Inc. (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Vice President Sara Duterte kaugnay sa rebelasyon ng Bilyonaryo News Channel patungkol sa nag-iisang anak ng negosyanteng si Eusebio “Yosi” Tanco Jr. na si Jaeger Tanco.

Matatandaang ayon sa ulat ay si Jaeger umano ang nasa likod ng mga pekeng account na umaatake at nagpapakalat ng fake news laban sa Bise Presidente.

MAKI-BALITA: Sino si Jaeger Tanco na anak ng bilyonaryong nasa likod umano ng pagpapakalat ng fake news laban kay VP Sara

Sa ginanap na Pasidungog 2025 ng Office of the Vice President (OVP) nitong Lunes, Hunyo 16, inusisa si VP Sara kung balak ba niyang ihabla ang Comm&Sense Inc., isang kompanyang itinatag at pinamumunuan ni Jaeger.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

“Hindi na, ma’am,” sagot ni VP Sara. “Sobrang napahiya na siya do’n no’ng nilabas ‘yon ng AI. I mean, nasa’n na ‘yong credibility mo as a service provider no’ng sinabi na ganyan ‘yong negosyo mo.” 

Dagdag pa niya, “Ano pang point na kasuhan ko siya? Nakakahiya na, napahiya na siya do’n sa nangyari. At nakita ng mundo ‘yong kahihiyang ginawa niya.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Tanco patungkol sa nasabing ulat na inilabas ng Bilyonaryo News Channel mula sa OpenAi.