December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Umayos kayo!' Vice Ganda, tinalakan OA at shungang faneys

'Umayos kayo!' Vice Ganda, tinalakan OA at shungang faneys
Photo courtesy: Vice Ganda (IG)/Pinoy Big Brother

May banat si Unkabogable Star Vice Ganda sa fans at supporters ng ibang celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na grabe ang pamba-bash sa housemates na hindi nila sinusuportahan.

Hayagan kasi ang pagsuporta ni Meme Vice sa latest evictee ng PBB na si Kapamilya singer Klarisse De Guzman.

Na-bash naman si Vice dahil sa mga nasabi niya matapos ngang lumabas ng Bahay ni Kuya ang singer.

Hindi naman pinalagpas ng "It's Showtime" host ang mga netizen na bumira sa kaniya.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Ayon sa X post ni Vice, "Paalala sa mga OA at shungang faneys. Kung talagang mahal nyo ung mga bet nyo umayos kyo. Dhil sa kagaguhan nyo ung mga bet nyo pa mapapahamak at mapapaaway. Ending nyan sila pa mahihiya at manliliit pag nagkasalubong sila ng mga inookray nyo khit wala nman silang kaalam alam."

Photo courtesy: Screenshot from Vice Ganda (X)

Sumang-ayon naman dito ang mga netizen at sinabing maghulos-dili at kalmahin ang sarili sa pagkokomento ng hindi maganda sa iba pang housemates.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, kumuda sa paglabas ni Klarisse sa Bahay ni Kuya