December 13, 2025

Home BALITA National

Teacher era? PBBM, 'nagturo' sa Grade 1 pupils

Teacher era? PBBM, 'nagturo' sa Grade 1 pupils
Photo courtesy: Screenshots from RTVM (FB)

Humarap sa isang klase sa Grade 1 si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at sinubok ang kakayahan sa pagbasa ng mga salita sa wikang Filipino, nang bumisita siya sa Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) sa Malate, Maynila nitong Lunes, Hunyo 16, 2025.

Kasama si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, binisita nila ang nabanggit na paaralan para sa pagbubukas ng mga klase sa taong panuruan 2025-2026.

Sa pamamagitan ng flashcards, nag-promote si PBBM ng kahalagahan ng pagbasa at aktibong pakikilahok sa talakayan sa loob ng klase. Nagbigay rin siya ng pagkakataon sa mga estudyante para sagutin ang mga tanong nila sa kaniya, upang i-promote naman ang pagkakaroon ng inclusive classroom environment.

Pagkatapos nito, nag-ikot pa sina PBBM at DepEd Sec. Angara sa iba pang mga silid-aralan upang tingnan ang mga sitwasyon doon. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa tanggapan ng punungguro at inalam ang security measures sa loob ng paaralan.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ayon kay PBBM, tinitiyak nila ang kaligtasan ng lahat lalo na ang mga bata, kaya kailangang may CCTV monitoring at nakabitan na rin ng mga camera ang paligid ng vicinity ng paaralan.

Dagdag pa ng pangulo, sabihan lamang daw sila lalo na ang DepEd kung may mga kailangan pa ang mga paaralan para sa ikagaganda at ikaaayos ng kanilang paaralan.