December 16, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Priscilla, open maka-work si John pero 'di bet magpatuka

Priscilla, open maka-work si John pero 'di bet magpatuka
Photo Courtesy: Priscilla Meirelles, John Estrada (IG)

Naghayag ng interes si beauty queen-actress Priscilla Meirelles na makatrabaho ang estranged husband niyang si John Estrada.

Sa isinagawang press conference matapos niyang pumirma ng co-management contract sa Viva Artist Agency kamakailan, nausisa si Priscilla tungkol sa posibilidad na makasama si John sa isang proyekto.

“Why not? ‘Yong gusto kong role yung parang sasampalin ko siya. Pwede ba? ‘Yong 'how dare you,' pak! Mayro’n ba?” natatawang sabi ng beauty queen-actress.

Pero on a serious note, naka-move na raw naman siya mula sa nangyari sa kanilang dalawa ni John.

Relasyon at Hiwalayan

Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?

Nagsimula ang isyu sa pagitan nina John at Priscilla noong Hulyo 2024 matapos pangalanan ng huli ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.

MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Kaya aniya, “A lot of things happened, and I'm in a place right now where there's still a lot of hurt, but I've moved on from that.”

“I choose to be happy. Happiness is a choice to do every day. If nagkaroon ng oportunidad where we're gonna work together, as long as it's not a kissing scene, I'm okay. Ayaw ko, e,” dugtong pa ni Priscilla.

Matatandaang  sinabi ni Priscilla sa isang panayam noong Abril na sarado na raw ang puso niya para kay John. Bagama’t napatawad na raw niya ang huli, hindi pa rin naman daw siya nakakalimot sa ginawa nito.

MAKI-BALITA: Puso ni Priscilla Meirelles, sarado na; 'di na makikipagbalikan kay John Estrada