December 14, 2025

Home BALITA National

MMDA, inilunsad ang 'May Huli Ka' website para sa mga motorista

MMDA, inilunsad ang 'May Huli Ka' website para sa mga motorista
MMDA/WEBSITE

FEELING MO NA-NCAP KA? 

Isang website ang inilunsad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kung saan pupwedeng tingnan ng mga motorista kung mayroon silang violation sa ilalim ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa website na mayhulika.mmda.gov.ph, ilalagay lang plate number o conduction sticket at MV file number sa search bar upang makita ang violation.

Kung may nakita namang violation, maaaring mag-request ng kopya sa Notice of Violation sa pamamagitan ng email. 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Matpos nito ay maaari nang magbayad sa pamamagitan ng physical payment o pagpunta sa MMDA head office sa Robinson's Galleria, o 'di kaya ay digital payment naman sa Maya, Bayad App, iCash, o Landbank LinkBizPortal. 

At kung sakali man na hindi sang-ayon ang motorista sa violation, maaari namang maghain ng contest sa Traffic Adjudication Division sa loob ng 10 working days mula sa matanggap ang Notice of Violation. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano nga ba ang proseso ng pag-apela kapag nahuli ng MMDA?