Ibinida ng aktor na si John Lloyd Cruz ang isang larawan kung saan makikita ang bonding moment nila ng anak na si Elias at current partner na si Isabel Santos.
Batay sa caption ni Lloydie sa kaniyang Instagram post, mukhang masaya naman siya at kontento sa kung ano ang kasalukuyang estado niya, na naka-showbiz hiatus ulit matapos gawin ang sitcom na "Happy ToGetHer" sa GMA Network.
"Sinubukan ko pero baka nga mas mainam na hayaan nalang wala kesa pilitin hanapin at hintayin ang mga letrang sasapat at tatapat sa sandaling to," mababasa sa caption ng aktor noong Huwebes, Hunyo 12.
Sumunod naman ay bumati siya ng "Father's Day" para sa kaniyang sarili at para sa lahat ng ama. Naging madamdamin naman ang mensahe niya para sa anak nila ni Ellen Adarna.
"happy father’s day sa atin anak. salamat dumating ka at pinatunayang pwede maging buo bagamat hindi magkasama. araw-araw,pinaglalaban ‘ko. araw-araw kaya ko mamatay para sa’yo. salamat anak. wala na ‘kong mahihiling pa bilang ama. enjoy ka today. hfd to us happy father’s day sa lahat ng mga amang hindi sumusuko sa pamilya. inspirasyon kayo sa aming mag-ama," aniya.
Sa isa pang Instagram post, nagpaabot naman ng pagbati si Idan para sa tatay niya.
"hanep na buhay to,salamat po walang uri ng tagumpay,parangal,kapangyarihan tatapat dito. Ito ang success sa tulad ko. Salamat sa erpat ko,kundi sa kanya,wala itong larawan na ‘to. Happy father’s day Daddy. This is our best year,paboritong biyaya ko ang makasama ka at makakwentuhan kahit minsan. Salamat nandyan ka. Salamat hindi ka madrama," aniya pa.
Matatandaang inamin ng kaniyang former manager na si Maja Salvador na wala na sa poder ng Crown Artists Management si JLC, na hindi pa sigurado kung kailan magbabalik-showbiz.
KAUGNAY NA BALITA: John Lloyd Cruz, Miles Ocampo wala na sa poder ni Maja Salvador