Pinagsabihan ni Kapamilya host Bianca Gonzalez ang mga netizen na pinagbabantaan at minumura ang ilang Pinoy Big Brother housemates na hindi nila gusto.
Sa X post ni Bianca noong Sabado, Hunyo 14, pinaalala niya sa mga netizen na may kaniya-kaniyang bet na housemates na totoong tao ang mga pinagbabantaan at minumura nila.
Aniya, “[T]otoong tao yung pinag-uusapan ninyo, may totoong pamilya't mahal sa buhay na nakakabasa ng pino-post ninyo.”
“Is this really the kind of person na gusto niyo maging? Bakit? And for what yung ganung post?” dugtong pa ng Kapamilya host.
Tila nahirapan kasi ang maraming netizens na tanggapin ang naging resulta ng latest eviction night.
Maging si Unkabogable Star Vice Ganda ay naghayag ng sentimyento pagkalabas ng magka-duo na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.
MAKI-BALITA: Vice Ganda, kumuda sa paglabas ni Klarisse sa Bahay ni Kuya
Hindi tuloy naiwasang magkomento ng isang netizen dahil tila may pahaging umano sa ibang housemates ang pahayag ni Vice.
Ngunit hindi pinalampas ni Vice ang pang-iintriga ng netizen sa kaniyang post. Pinatulan niya ito at sinagot.
Buwelta ng Unkabogable Star, “San galing ang tweet mo? Sinong shinade ko? Sinong housemate ang pinaglalaban mong shinade ko? Alam mo ba ung shade? Yung totoo? Naunawaan mo ba ung tweet? Mahina ang pangintindi?”
MAKI-BALITA: May pinapaboran? Kuda ni Vice Ganda sa pagkalabas ni Klarisse, inintriga!
Matatandaang ang duo nina Klarisse at Shuvee ang nakakuha ng pinakamaliit na boto mula sa tatlong nominadong duo na umabot lang ng 31.50%, dahilan para magpaalam sila pareho sa Bahay ni Kuya.
MAKI-BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!