Isang pasahero ang himalang nakaligtas matapos bumagsak ang Air India plane na patungong London noong Huwebes, Hunyo 12, 2025.
Kinilala ng isang doktor sa India ang kaisa-isang survivor ng naturang plane crash na si Vishwash Kumar Ramesh na kasalukuyan ng nagpapagaling sa ospital.
Ayon sa ulat ng AP News nitong Biyernes, Hunyo 13, sugatan at wala sa sarili si Ramesh nang humingi ito ng tulong sa mga nakaantabay ng medic sa crash site. Nagawa pa raw niyang ipakita ang kaniyang boarding pass matapos humingi ng tulong.
Ibinahagi ng doktor ni Ramesh ang kaniyang naging kuwento kung paano raw siya nakaligtas. Ayon sa doktor, tumilapon palabas si Ramesh nang mahati ang eroplano bago ito tuluyang sumabog.
Samantala, napag-alamang bigo namang makaligtas ang kapatid ni Ramesh na noo’y kasama raw niyang bumiyahe patungong London.
Matatandaang bumagsak ang eroplano at bumangga sa isang medical college hostel sa labas ng paliparan habang oras ng tanghalian. Wala pang kabuuang ulat kung nao ang naging sanhi ng pagbagsak ng nasabing eroplano na ikinawi ng 169 Indians, 53 Britons, pitong Portuguese at isang Canadian
KAUGNAY NA BALITA: Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!