Dead on arrival ang dalawang batang magkapatid matapos pagtatagain ng kanilang amain sa Albuera, Leyte.
Ayon sa mga ulat, selos umano ang pinag-ugatan ng pananaga ng suspek matapos silang magtalo ng ina ng mga biktima. Sa labas ng bahay natagpuan ang walang buhay na katawan ng pitong taong gulang na bata habang nasa loob naman ng bahay ang kapatid niyang apat na taong gulang.
Habang nananatili pa rin sa ospital ang ina ng mga biktima na nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan. Nauna raw tagain ng suspek ang kaniyang kinakasama at saka binalingan ang dalawang bata.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na labis umanong nagsisisi. Depensa niya, nawala umano siya sa kaniyang sarili dahil sa labis na pagseselos.
Posible umanong maharap sa kasong double murder at frustrated murder ang suspek.