December 13, 2025

Home BALITA

'Minus ₱100!' Kamara, umalma sa ₱100 bersyon ng Senado sa proposal nilang ₱200 wage hike

'Minus ₱100!' Kamara, umalma sa ₱100 bersyon ng Senado sa proposal nilang ₱200 wage hike
Photo courtesy: HOR, Pexels, Senate of the Philippines

Hindi nagustuhan ng House Committee on Labor and Employment ang proposal ni Sen. Joel Villanueva na ikasa na lamang ang naunang ₱100 na wage hike ng Senado kumpara sa ₱200 na kanilang itinutulak mula sa Kamara.

Ayon kay House Panel Chairman Rep. Fidel Nograles, kinakailangan nang magkasa ng bicameral committee upang mapagkasunduan na ang magkaibang umentong isinusulong ng Senado at Kamara.

KAUGNAY NA BALITA: Bicam conference committee para sa dagdag sahod, dapat nang ikasa —Hontiveros

“The House strongly prefers a transparent and deliberative bicameral process, rather than being bamboozled into accepting the Senate version wholesale, without discussion or compromise,” saad ni Nograles sa liham na kaniyang ipinadala kay Villanueva nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Dagdag pa niya, “That is not how co-equal chambers of Congress are expected to legislate. We cannot and should not be forced into a corner where our only option is to rubber-stamp a version that does not reflect the result of honest dialogue.”

Matatandaang noong Martes, Hunyo 10 nang sumulat din si Villanueva sa Kamara na iginiit na tanggapin na lamang ang naunang Senate Bill No. 2534 na naglalayong magtaas ng ₱100 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Saad pa ni Nograles, kailangan umanong magkaroon ng diyalogo sa pagitan ng Senado at Kamara kaysa pwersahin silang tanggapin na lamang ang Senate Bill No. 2534.

“We do not view disagreement as a problem—it is the lifeblood of democracy. What we find deeply concerning is any attempt to circumvent the process by limiting dialogue or bypassing bicameral reconciliation,” saad ni Nograles.

Matatandaang nauna nang nagpahayag ng pagtutol sina Villanueva at Sen. JV Ejercito sa hinihinging ₱200 wage hike ng Kamara mula sa hanay ng mga negosyo.

KAUGNAY NA BALITA: Dalawang senador, ekis sa ₱200 na dagdag sa minimum wage?

Inirerekomendang balita