Patungo si Vice President Sara Duterte sa Kuala Lumpur, Malaysia kasama ang kaniyang pamilya, ayon sa pahayag ng Office of the Vice President nitong Martes, Hunyo 10.
"Vice President Sara Duterte is travelling to Kuala Lumpur, Malaysia on a personal trip with her family," anang OVP.
"In the course of her visit, she is scheduled to attend the Independence Day celebration and engage in an OVP program consultation with Overseas Filipino Workers (OFWs) on June 12," dagdag pa nila.
Samantala, wala pang pahayag ang OVP tungkol sa impeachment trial ni Duterte na gaganapin sa Miyerkules, Hunyo 11.
Una na ring sinabi ng defense team ni Duterte na nakahanda raw silang harapin ang lahat ng mga walang batayang alegasyong ibinabato sa pangalawang pangulo.
BASAHIN: Defense team ni VP Sara, handang makipagkomprontahan sa Senado!
Kaugnay ng kaniyang impeachment, nauna nang iginiit ni Duterte na mas gugustuhin niya raw magkaroon ng isang madugong paglilitis.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'
Matatandaang noong Pebrero 5 nang tuluyang na-impeach ang bise presidente sa House of Representatives.
KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte