December 16, 2025

Home BALITA

PNP, makikipag-ugnayan sa CHR sa mga ikakasang pag-aresto

PNP, makikipag-ugnayan sa CHR sa mga ikakasang pag-aresto
Photo courtesy: via PNP and CHR/website

Nasa plano na umano ng Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa kanilang ikakasang mga operasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, inihayag niyang nakahanda na raw silang magtungo sa tanggapan ng CHR upang ipaliwanag ang direktiba ni PNP Chief Nicolas Torre na “paramihan ng mahuhuling kriminal.”

“Dati kasi may perception na hindi nagkakasundo ang PNP at CHR kasi nagbabantay na tumutupad sa sworn duty to protect human rights,” ani Fajarado sa panayam sa kaniya ng Super Radyo dzBB.

Dagdag pa niya, “Bukas, pupuntahan ni PNP Chief ang CHR para magpaliwanag dahil nagkaroon ng negative interpretation ang sinabi niyang paramihan ng huli.”

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Bukas daw silang ipakita sa CHR ang kanilang operasyon upang masigurong wala silang nilalabag na karapatan sa kanilang mga operasyon.

“Kung gusto nila mag observe kung paano nanghuhuli ang mga pulis, kung paano nagbabantay sa kalsada ang mga pulis, [they are welcome] para makita nila kung may dapat iimprove, dapat i-correct sa hanay ng kapulisan,” saad ni Fajardo.

Matatandaang nauna na ring nilinaw ni PNP Chief Torre na hindi niya hinihikayat sa ilalim ng kaniyang pamumuno ang dahas at pagpatay daw sa pagdakip sa mga masasamang loob.

“Tandaan natin, 'Pag sinabing aresto buhay ang tao. Hindi patay. Kasi ang pagpatay hindi ko talaga ine-encourage 'yan,” saad ni Torre.