December 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Euleen Castro sa cafe sa Iloilo: 'Honestly, hindi talaga ako nasarapan!'

Euleen Castro sa cafe sa Iloilo: 'Honestly, hindi talaga ako nasarapan!'
Photo courtesy: Coffeebreak (FB)/Euleen Castro (YT)

Naglabas ng isang "interview vlog" si Pambansang Yobab Euleen Castro para ilabas ang kaniyang panig matapos mabatikos ng mga netizen sa ginawa niyang "bad review" sa isang coffee shop sa Iloilo.

Sa kaniyang YouTube channel, ikinuwento ni Euleen ang lahat; kung paano sila napadpad sa nabanggit na coffee shop hanggang sa naging panlasa nga niya sa mga natikman niyang kape at pagkain dito.

Aniya, pagkatapos nilang manggaling sa isang sinehan ay agad silang naghanap ng isang cafe upang magkape, at wala na raw silang ibang napuntahan kundi ang nabanggit na coffee shop.

Umorder daw talaga siya ng marami para matikman niya lahat, tutal naman daw ay wala namang ganoong cafe sa Maynila.

Tsika at Intriga

'Hallu, Hallu sa kulungan!' Anne Jakrajutatip himas-rehas nang 2 taon, anyare?

"Honestly, hindi po talaga ako nasarapan, and opinyon ko naman po 'yon," aniya.

Sa kabilang banda, wala naman daw siyang sinabi sa mga tao na huwag na itong puntahan o tangkilikin.

"Hindi ko sinabing huwag puntahan, hindi ko sinabing magsara kayo..." aniya pa.

Tungkol naman daw sa pagmumura niya na sinita rin ng mga netizen, ipinagdiinan ni Euleen na hindi raw niya minura ang pagkain, staff, at cafe.

"Wala akong minura, expression ko lang po talaga 'yon," paliwanag niya.

KAUGNAY NA BALITA: Coffee shop, umalma sa bad review ni Euleen Castro

Iyon daw ang medyo hindi niya naisip, na akala raw niya ay gets na ng supporters niya ang humor niya, subalit hindi pa raw pala.

Sa bandang huli ay humingi ng paumanhin si Euleen sa lahat ng mga nasaling, nasaktan, at naapektuhan sa kaniyang mga naging kilos at nasabi, lalo na sa mga staff, crew, at may-ari ng cafe dahil sa kaniyang naging pagkukulang.