December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Broken hearted?' Netizens, curious sa cryptic posts ni Kylie Padilla

'Broken hearted?' Netizens, curious sa cryptic posts ni Kylie Padilla
Photo courtesy: Screenshots from Kylie Padilla (IG)

Usap-usapan ang cryptic posts ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na makikita sa kaniyang Instagram story.

Hindi dumalo si Kylie sa media conference para sa "Sang'gre: Encantadia Chronicles" ngayong araw ng Linggo, Hunyo 8, kung saan gaganap siya rito bilang si Amihan.

Kaya naman, curious ang mga netizen kung anong ibig sabihin ng "broken-heart emoji" na shinare niya.

Wala naman itong nakalagay na text caption na makapagbibigay-linaw sana kung ano ang konteksto nito. 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero ang isa pang nakakaintriga ay ang ibinahagi niya tungkol sa mga lalaking hindi raw na-sexualize ang mga babae sa kanilang buhay.

Tanong tuloy ng mga netizen ay kung may pinagdaraanan daw ba si Kylie.

Samantala, wala pang rekaisyon, tugon o pahayag si Kylie tungkol dito.