Inalmahan ng ABS-CBN News Channel anchor at news reporter na si Kat Domingo ang komento ng isang netizen na nagsabing sana raw, hindi na lamang niya pinansin ang nag-direct message sa kaniya at nagtanong kung puwede ba siyang i-oral sex.
"Wag nalang pansinin kasi mukang dummy account lang yan e sayang pa ang oras mo dyan eh. Kaya may mga ganyang tao dahil din yan sa tukso na nakikita nila sa internet sorry to say pro may ambag yun sa ganitong kaisipan ng mga ganutong klaseng lalake.. Hindi yan wortth pra pansinin," mababasa sa X post ng nabanggit na netizen.
Ni-reshare naman ito ni Domingo at pinalagan.
"‘Wag na lang pansinin?’ This is exactly the mindset that normalizes disrespect."
"Kaya may ganiyang tao dahil pinapabayaan lang sila na gawin yang mga kababuyan na yan without being called out."
"We don’t want young girls to grow up thinking na this is okay because it’s not," aniya.
Matatandaang nauna nang binanatan ni Domingo ang nabanggit na "kabastusan" sa kaniya.
"'PWEDE MAGPA-BJ?’"
"These kinds of things should never be normalized in any setting — online or offline."
"Wala ho ba kayong nanay, asawa, anak or kapatid na babae for you not to realize how disrespectful & crude this is?"
"May we never tolerate such behavior. Silence is complicity," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: ABS-CBN reporter, pumalag sa bastos na tanong na 'Pwede magpa-BJ?'