December 13, 2025

Home SPORTS

‘Balik sa tugatog!’ Carlos Yulo, muling nag-uwi ng gintong medalya

‘Balik sa tugatog!’ Carlos Yulo, muling nag-uwi ng gintong medalya
Photo courtesy: screengrab from Asian Gymnastics Union/YouTube

Muling inangkin ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang floor exercise category matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa 2025 Artistic Gymnastics Asian Championships nitong Sabado, Hunyo 7, 2025.

Naungusan ni Yulo ang dikit nilang score ni Karimi Milad ng Kazakhstan matapos ang malinis niyang execution na nagmarka mula sa 14.400 nilang difference marker.

Ito na ang ikaapat na taong inuwi ni Caloy ang gintong medalya mula sa nasabing category sa Asian Championships.

Pumangatlo naman sa puwesto ang pambato ng Korea na si Geonyoung sa iskor na 14.003.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Samantala, matatandaang kamakailan lang nang ibinulsa rin ni Yulo ang bronze medal mual sa men's all around. 

KAUGNAY NA BALITA: Bronze medal ni Golden Boy Carlos Yulo, inintriga