July 17, 2026

Home BALITA National

Eid'l Adha, paalala ng lakas ng loob, pagbibigayan— VP Sara

Eid'l Adha, paalala ng lakas ng loob, pagbibigayan— VP Sara
photo courtesy: Inday Sara Duterte, Santi San Juan/MB

Sa kaniyang pakikiisa, inilahad ni Vice President Sara Duterte ang mga nagsisilbing paalala ng pagdiriwang ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice. 

Sa isang video message nitong Biyernes, Hunyo 6, sinabi ni Duterte na magsilbing paalala ang kahulugan ng sakripisyo, pananampalataya, at kabutihang-loob ng pagdiriwang na ito. 

"Sa okasyong ito, nawa’y magsilbing paalala sa ating lahat ang kahulugan ng sakripisyo, pananampalataya, at kabutihang-loob — mga bagay na mahalaga hindi lang sa ating pananampalataya kundi maging sa ating pang-araw-araw na buhay bilang isang sambayanan," anang pangalawang pangulo.

"Ang diwa ng Eid al-Adha ay nagsisilbing paalala ng lakas ng loob, pagbibigayan, at malasakit sa kapwa—mga katangiang lubhang mahalaga sa kasalukuyang panahon. Ang aking pakikiisa sa inyo ay pinagtitibay ng kapatiran, paggalang, at pagtanggap," dagdag pa niya.

Bukod kay Duterte, nakiisa rin si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

National

Ombudsman Remulla, nagpaalalang 'wag nang magpayaman sa pamahalaan mga solon!

BASAHIN: PBBM, nakiisa sa paggunita ng Eid'l Adha