June 08, 2025

Home BALITA National

DOH, nagpaalala kontra dengue ngayong tag-ulan

DOH, nagpaalala kontra dengue ngayong tag-ulan
Photo Courtesy: via MB

Nagbigay ng paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kung paano makakaiwas sa dengue ngayong tag-ulan.

Matatandaang opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan noong Lunes, Hunyo 2.

Samakatuwid, malaki ang posibilidad na mas dumami ang mga lamok na may dalang dengue sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. 

Kaya sa latest Facebook post ng DOH nitong Biyernes, Hunyo 6, inilatag nila ang “4Ts tuwing Alas Kwatro.”

National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya

“Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro : Taob , Taktak , Tuyo , Takip — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya ‍‍‍!” saad ng DOH.

Dagdag pa nila, “Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.”

Ang dengue ay isang sakit na mula sa mikrobyo na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng Aedes na lamok. 

Ilan sa posibleng sintomas nito ay ang mga sumusunod: mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng katawan at kasu-kasuan.