June 09, 2025

Home SHOWBIZ

Boss Toyo, ‘di nakapagpigil; sininghot panty ni Eva Elfie

Boss Toyo, ‘di nakapagpigil; sininghot panty ni Eva Elfie
Photo Courtesy: Screenshots from Pinoy Pawnstars (FB)

Tila hindi nakontrol ng negosyante at social media personality na si Boss Toyo ang bugso ng damdamin niya nang makita ang laman ng ipinagbebentang special bag ni Eva Elfie.

Si Eva—o si Yulia Sergeyevna Romanova sa tunay na buhay—ay isang sikat na Russian adult film actress. Isa rin siyang nude model, content creator, at aktibong nakikilahok sa esports community.

Samantala, ginawaran naman siya noong 2021 ng AVN Awards bilang Best New Foreign Starlet.

Sa latest episode ng Pinoy Pawnstars nitong Biyernes, Hunyo 6, inusisa ni Boss Toyo si Eva kung ano ang dala nito para sa kaniya.

Cristy Fermin bilib sa paglalabas ng mga hanash ni Romnick Sarmenta

“What do you have for me to sell?” tanong ni Boss Toyo.

“Yes I have a little present sa 'yo,” sagot ni Eva sabay labas ng umano’y special bag na may lamang panty.

Napa-wow na lang si Boss Toyo at parang hindi makapaniwala sa dala ng sikat na pornstar. Hindi tuloy niya naiwasang itanong kung nagamit na nito ang panty.

“Yes, sagot ni Eva. That's for you. [...] This is one of my favorites.”

Kaya naman hindi napigilan ni Boss Toyo na amuyin ang little present ni Eva sa kaniya.

Pinresyuhan ng sikat na pornstar ang panty niya sa halagang $500. Ngunit ibinaba ni Boss Toyo sa halagang $100 ang nasabing panty.

Hindi pumayag si Eva dahil masyado raw mura ang inaalok na halaga ni Boss Toyo. Sa huli, nagtagpo sila sa presyong $300 na may kasama pang sampung yakap.

MAKI-BALITA: May panty na, may yakap pa! Sikat na pornstar, nagbenta kay Boss Toyo