Tumaas ng 4.1% ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Abril 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos na inilabas ng PSA nitong Biyernes, Hunyo 6, pumalo sa 4.1% ang unemployment rate noong Abril mula sa 3.9% noong Marso at 3.8% noong Pebrero. Ngunit mas mababa pa ito kumpara sa 4.3% noong Enero.
Saad ng PSA, noong Abril ay sumirit sa 2.06 milyong Pinoy ang walang trabaho, mas mataas sa 1.93 milyon noong Marso at 1.94 milyon noong Pebrero.
Sa kabila ng pagtaas ng unemployment rate sa bansa, iginiit ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na ang bilang naman ng mga may trabahong indbidwal ay mas mataas noong Abril kumpara noong Enero.
Ang kabuuang bilang ng mga may trabahong indibidwal noong Abril 2025 ay nakarehistro sa 48.67 milyon. Mas mataas ito kaysa sa 48.49 milyon noong Enero.