June 08, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

‘Alam n’yo na kung sino kayo!’ Julia, nag-hi sa mga babaeng umaligid kay Coco

‘Alam n’yo na kung sino kayo!’ Julia, nag-hi sa mga babaeng umaligid kay Coco
Photo Courtesy: Screenshot from Karen Davila (YT), Dreamscape Entertainment (IG)

Aminado si Kapamilya actress Julia Montes na dumating din daw siya sa puntong nakaramdam ng insecurity noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.

Sa latest vlog kasi ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila noong Huwebes, Hunyo 5, naungkat niya ang pagiging matibay na babae ni Julia.

“You’re very secure. Matibay kang babae. Kasi si Coco Martin ‘yon, e. Ang dami niyang mai-insecure,” saad ni Karen.

Sabi naman ni Julia, “Siguro maturity na rin po. Aminado naman ako siyempre no’ng medyo bagets-bagets pa, insecure talaga po.” 

Relasyon at Hiwalayan

Michele Gumabao, walang alam sa relasyon ng utol kay Cristine Reyes

“Hindi mo maiiwasan, e. Coco Martin is Coco Martin. Maraming aaligid diyan. Alam n’yo na kung sino kayo. Hi guys,” natatawang dugtong ng aktres.

Pero maswerte raw siya dahil iba ang values ni Coco. Ipinaramdam daw nito na wala siyang dapat ipag-alala.

Matatandaang noong 2024 at 2023 ay madalas nang i-flex ni Coco ang mga kuhang larawan nila ni Julia mula sa kanilang mga gala sa iba’t ibang lugar.

MAKI-BALITA: 'Tumatapang na ah!' Coco, flinex pagyakap kay Julia sa Espanya

MAKI-BALITA: Di na nagtatago sa 'dilim:' CocoJuls, nagbago na

MAKI-BALITA: Matapos mag-Italy kasama si Coco: Julia, buntis na nga ba?