December 13, 2025

Home BALITA National

Lone bettor na nanalo ng ₱21.7M sa lotto, taga-Quezon City!

Lone bettor na nanalo ng ₱21.7M sa lotto, taga-Quezon City!
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Tumataginting na ₱21.7 milyong lotto jackpot ang napanalunan ng lone bettor mula sa Quezon City. 

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang winning ticket sa Project 7 sa Quezon City. 

Nahulaan ng lone bettor ang winning numbers ng Mega Lotto 6/45 na 42-28-04-29-10-30, kung kaya't napanalunan niya ang ₱21,749,042.20.

Binola ang naturang lotto game noong Miyerkules, Hunyo 4. 

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay mapupunta sa kawanggawa.

Ang lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod na rin sa TRAIN Law.