December 16, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Kelan face reveal?' Tom Rodriguez flinex anak, partner niya pero nakatalikod

'Kelan face reveal?' Tom Rodriguez flinex anak, partner niya pero nakatalikod
Photo courtesy: @bundleofjoystudioph via Tom Rodriguez (IG)

Ibinida ni Kapuso actor Tom Rodriguez ang mga larawan nila ng kaniyang anak at bagong partner na isang non-showbiz girl.

Pero ang catch: nakatalikod sila kaya 'di pa rin knows ng publiko ang kanilang mga fez!

"Some treasures in life are too sacred to put on full display. This isn’t about hiding…it’s about holding," mababasa sa caption ni Tom.

"Holding close what grounds me. What restores me. What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play."

Relasyon at Hiwalayan

Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?

"This family of mine is my sanctuary…My peace. And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real," aniya pa.

Matatandaang nauna nang ni-reveal ni Tom ang pagkakaroon ng baby boy at bagong partner subalit hindi pa niya inilantad sa publiko ang kanilang looks.

KAUGNAY NA BALITA: Tom Rodriguez, 'pinagalitan' sa pasilip sa umano'y mag-ina niya: 'Need pa i-zoom!'