December 13, 2025

Home BALITA

Hula ni Sen. Koko, senate reso laban sa impeachment, pasabog sa Hunyo 11

Hula ni Sen. Koko, senate reso laban sa impeachment, pasabog sa Hunyo 11
Photo courtesy: via Manila Bulletin

May hula umano si Sen. Koko Pimentel kung kailan magagamit ang umiikot umanong resolusyon sa Senado na naglalayong ibasura ang nakabinbing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang radio interview nitong Huwebes, Hunyo 5, 2025, sinabi na Pimentel na maaaring maging panggulat ang nasabing resolusyon kapag nagsimula na ang pagbasa ng articles of impeachment sa Hunyo 11.“[I]yang reso ngayon na umiikot, baka 'yan ang panggulat. Pagkatapos basahin ng House of Representatives ang articles of impeachment, kasi session pa namin yun, baka ipasok ngayon 'yan. Kaya babantayan namin 'yan,” ani Pimentel. 

Nang tanungin kung ilan sa mga senador ang nakabantay sa maaaring pagsingit ng naturang resolusyon upang tuludukan ang impeachment, sagot ni Pimentel, “dalawa.”

Ayon sa kaniya, pawang silang dalawa lamang ni Sen. Risa Hontiveros ang nag-uusap sa posibleng maging epekto ng naturang resolusyon.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang noong Huwebes, Hunyo 4, nang kumpirmahin ni Sen. Imee na may mga resolusyong umiikot sa Senado na magbabasura umano sa impeachment ni VP Sara. Pinatunayan naman ito ni Sen. Jinggoy Estrada na nabasa niya na raw ang kopya nito habang inamin naman Sen, Ronald “Bato” dela Rosa na sa kaniya nanggaling ang nasabing resolusyon.

Basahin n’yo yung resolusyon, you will understand everything. That’s very self-explanatory. Kung anong mabasa n’yo doon, kung anong sinasabi do’n, yun ang saloobin ko,” ani Bato.

KAUGNAY NA BALITA; 'Made from Bato!' Reso para ibasura impeachment ni VP Sara, galing kay Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: 'Meron o wala?' Mga senador, iba-iba tugon sa resolusyong babasura sa impeachment ni VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: 'Confirmed!' Sen. Jinggoy, nabasa na resolusyon para ibasura umano ang impeachment ni VP Sara

Inaasahang opisyal na magbubukas na impeachment court ang Senado pagkatapos ng pagbasa ng articles of impeachment sa Hunyo 11. Ayon kay Pimentel saka lang daw pagdedebatehan ang resolusyon kapag opisyal ng korte ng impeachment ang Senado.