June 08, 2025

Home BALITA National

Mas lumobo pa! Pilipinas, paldong-paldo sa ₱16.75 trillion na utang nitong Abril 2025

Mas lumobo pa! Pilipinas, paldong-paldo sa ₱16.75 trillion na utang nitong Abril 2025

Panibagong record-high ang naitala dahil mas lumobo pa ang utang Pilipinas sa ₱16.75 trillion sa pagtatapos ng Abril 2025, ayon sa Bureau of Treasury.

Lumobo ito ng ₱68.69 billion o 0.41% mula sa ₱16.68 trillion noong Marso 2025. 

BASAHIN: Utang ng Pilipinas lumobo sa ₱16.68 trillion sa pagtatapos ng March 2025

Bahagi ng utang ng Pilipinas ang domestic debt na pumalo sa ₱11.59 trillion, kung saan tumaas ito ng 1.85% o ₱211.02 billion. 

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Sa kabilang banda, bumaba ang external debt ng gobyerno sa ₱5.16 trillion. Bumaba to ng 2.68% o ₱142.33 billion mula sa pagtatapos ng Marso. 

Habang ang "guaranteed obligations" naman ng gobyerno ay bumaba rin ng 0.68% o ₱2.32 billion, kaya ito ay nasa ₱337.54 billion nitong Abril 2025. 

Gayunman, sinigurado ng BTr na disiplinado ang pag-utang ng gobyerno na sumusuporta sa anila'y "productive investments." 

"The government continues to follow a disciplined debt strategy, ensuring that borrowings support productive investments while keeping fiscal sustainability," anang treasury.