December 15, 2025

Home BALITA

Desisyon ng Senado sa impeachment ni VP Sara, 'huwag isisi kay PBBM!'—Palasyo

Desisyon ng Senado sa impeachment ni VP Sara, 'huwag isisi kay PBBM!'—Palasyo
Photo courtesy: screenshot RTVM/FB, Bongbong Marcos/FB

Nakiusap ang Palasyo sa mga kritiko ng pamahalaan na huwag daw isisi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nakabinbing impeachment ni Vice President Sara Duterte sa Senado. 

Ayon kay Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Miyerkules, Hunyo 4, 2025,  hindi na raw dapat isisi kay PBBM ang impeachment dahil hindi na umano ito saklaw ng Pangulo.

“Kung matuloy po o hindi matuloy ang impeachment, mukhang hindi na po ‘yan sakop ng ating Pangulo,” aniya.

Dagdag pa niya, “Ang gusto lang po nating iparating, sana po huwag ipahid sa Pangulo kung anuman po ang magiging desisyon ng Senado diyan.”

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Saad pa niya, bagama’t iginigalang nila ang karapatan ng mga nagkikilos-protesta para sa impeachment, nilinaw naman niyang ang magiging kapalaran ng impeachment ni VP Sara ay nasa kamay na ng Senado.

“Kasi marami po tayong nakikita katulad po ng ibang protesters, iginagalang po natin ang kanilang mga opinyon at ginagawa—protesters na gustong ipatuloy ang impeachment trial. Pero sana po iwaksi nila sa kanilang isipan na na may kinalaman po ang Pangulo tungkol dito. Dahil ‘yan po ay solely the responsibility of the Senate,” ani Castro.

Giit pa niya “Nasa kamay na po ng Senado kung ano po ang gagawin nila dito patungkol sa impeachment proceedings.”

Samantala, kaugnay ng papel ni PBBM sa naturang impeachment ni VP Sara, muling inungkat ni Castro na matagal na raw ipinaubaya ng Pangulo ang magiging takbo nito sa Senado.

“Unang-una po, sinabi naman po ng Pangulo na ito po’y nasa kamay na po ng Senado. At hindi po makikialam ang Pangulo kung ano po ang nangyayaring pagdedebate sa Senado,” saad niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'Wapakels na?' Impeachment kay VP Sara, hinayaan na ni PBBM sa Senado