Aprubado na sa Senado ang Senate Bill No. 2805 o MTRCB Act na lalong magpapalakas at magpapalawak sa mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRB) bilang isang ahensya.
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, magiging saklaw na ng MTRCB ang pagbabantay sa mga video content na inilalabas ng mga online streaming platform.
Ayon kay Senador Robin Padilla na siyang sponsor ng panukalang batas, nilalayon umano nitong panatilihin ang moralidad at pagiging disente na inaasahan sa mga Pilipino.
“Padilla stressed the need to regulate online streaming platforms, noting that while some productions from Asian countries may align with Filipino culture, western-influenced content often requires careful consideration, especially when it comes to protecting young audiences,” saad pa sa ulat ng Senado.
Kinakailangang pagsumitehin ng MTRCB ang mga on-demand streaming service ng listahan at klasipikasyon ng kanilang pelikula, serye, at programa upang isailalim sa reclassification pagkatapos mapanood.