Nagbigay ng pahayag si Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) legal counsel Atty. Joseph Noel Estrada kaugnay sa pagtaas ng tuition fee sa ilang pribadong paaralan sa darating na school year 2025-2026.
Sa isang episode ng “Morning Matters” noong Lunes, Hunyo 2, sinabi ni Estrada na pinakamalaking salik umano sa pagtaas ng matrikula ang inflation.
“When we talk about tuition increases in the private schools, it’s basically controlled by inflation, that’s number one. And of course, the market that each individual school catered,” saad ni Estrada.
Bukod dito, binanggit din niya kung ilang porsyento ang tinatayang itataas ng tuition fee sa mga pribadong paaralan.
Aniya, “The range of increase I would say 3% or even lower in some areas up to as high as 5% to 7%.”
Nakatakda nang magbukas ang klase ngayong buwan ng Hunyo para sa taong panuruang 2025-2026 sang-ayon sa DepEd Order No. 12, Series of 2025.