January 04, 2026

Home BALITA

Heidi Mendoza, pinagnilayan ulit karapatan ng LGBTQIA+

Heidi Mendoza, pinagnilayan ulit karapatan ng LGBTQIA+
Photo Courtesy: Heidi Mendoza (LinkedIn), Pexels

Pinagnilayang muli ng dating komisyuner ng Commission on Audit (COA) na si Heidi Mendoza ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa pagpasok ng Pride Month.

Ito ay matapos umanong makaladkad ang pangalan ni Mendoza sa mga post at meme na tila nagsasabing siya ang tatawag ng disiplina sa “kabaklaan.”

Kaya sa isang Facebook post ni Mendoza kamakailan, sinabi niyang napaisip daw siya nang malalim dahil dito.

“Kailan naging katatawanan ang pagkatao ng iba? Kailan naging punchline ang identidad at pakikibaka ng isang buong komunidad?” saad ni Mendoza.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

“Hindi ako homophobic,” pagpapatuloy niya. “Hindi ako transphobic. Hindi ako bigot. Pero aaminin ko, lumaki akong konserbatibo, babae mula sa probinsya, pinalaki ng mga magulang na may simpleng pananaw sa buhay. At gaya ng marami, hindi ko rin agad naintindihan kung bakit kailangang ipaglaban ang SOGIESC equality, ang karapatan ng LGBTQIA+”

Ayon sa dating komisyuner ng COA, sanay umano siya na sumisita sa mali at lumalaban sa katiwalian. Kaya masakit isipin na ang gaya niyang palaban ay tahimik kapag laban na ng LGBTQIA+ ang nakataya.

Kaya sabi niya, “Kung may natutunan ako sa birong ginawang pangalan ko, ito iyon. Minsan, sa likod ng tawanan, may panawagan. At kung cinall-in ka, makinig ka. Baka hindi ka kinakalaban. Baka inaanyayahan ka lang na lumaban kasama nila.”

Matatandaang naging kontrobersiyal si Mendoza sa nakaraang 2025 midterm elections dahil sa tindig niya hinggil sa same-sex marriage.

MAKI-BALITA: Dahil di pabor sa same sex marriage: Heidi Mendoza, ekis na kay Sassa Gurl