June 08, 2025

Home BALITA National

ALAMIN: Paano nga ba ang proseso ng pag-apela kapag nahuli ng MMDA?

ALAMIN: Paano nga ba ang proseso ng pag-apela kapag nahuli ng MMDA?
(Photo by John Louie Abrina/MB)

Ibinahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na "mas pinadali" na ang pag-contest o pag-apela sa traffic citation ticket at notice of violation.

Anila, hindi na kailangang pumunta sa MMDA head offie para umapela dahil puwede na raw itong gawin online. 

PAANO NGA BA ANG GAGAWIN?

1. Pindutin ang link na ito para mapunta sa Google form: https://bit.ly/3J62YhH

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

2. Punan at i-upload ang mga kinakailangang detalye at dokumento katulad ng Unified Ordinance Violation Receipt (UOVR), driver’s license, at Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR) ng iyong sasakyan.

3. Matapos nito, kokontakin ka ng MMDA-Traffic Adjudication Division para sa pre-processing ng paghahain ng iyong reklamo. Kung kinakailangan, ikaw ay iimbitahan para sa face-to-face hearing ng isinumiteng reklamo.

Listahan ng "required" documents mula sa MMDA:

Iba pang proseso sa pag-contest o pag-apela:

Matatandaang nagbabalik na muli ang no contact apprehension policy (NCAP) mula pa noong Lunes, Mayo 26.

Ang NCAP ay isang traffic management program na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan katuwang ang MMDA at Land Transportation Office (LTO). Sa pamamagitan ng mga nakakabit na CCTV cameras sa mga piling lansangan, nagagawang ma-monitor ng MMDA ang mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko nang hindi nila kakailanganing personal na sitahin o mang harang sa daan.

BASAHIN: ALAMIN: Mga lugar na apektado ng pagbabalik ng 'No Contact Apprehension'