May mensahe ang transgender woman na si Maria Sofia Love para sa mga batang beki na nagpaplano at nag-iisip na ring sumailalim sa "transition" at proseso ng pagpapalit ng kasarian.
Ikinagulat kasi ng lahat ang bigla niyang paglantad sa social media matapos ang ilang taong hiatus, at dito ay sinabi niyang "nagbalik-loob" na siya sa Diyos.
Bagama't sinabi ni Maria Sofia na alam niyang attracted pa rin siya sa same-sex, ginagamit daw niya ito para mas mapalapit pa sa Diyos na matagal na raw siyang "napalayo."
Idinetalye ni Maria Sofia sa kaniyang Facebook Live ang kaniyang pinagdaanan bago siya nagising isang araw na muli niyang nakita ang sarili sa salamin bilang "lalaki."
Kaya payo niya sa mga bagets na bahagi ng LGBTQIA+ community, pakaisipin munang mabuti kung sasailalim sila sa sex change. Aminado kasi siyang wala raw nagsabi sa kaniya ng mga bagay-bagay noong nagdesisyon siyang sumailalim sa ganitong procedure.
"Sa mga batang kapatid natin, kasi noong bago ako mag-transition, wala nagsabi sa akin na maiba pa palang daan na matuwid, matino, masaya, tahimik."
"So, sana pag-isipan natin ang pagpapa-sex change. Masaya lang iyan sa akin ha, 10 to 15 years."
"Kapag nawala na ang pagkalasing mo sa kaligayahan, nagsawa ka na, kakanta na po si Celine Dion ng 'It's all coming back, back to me now...' Kasama pa niya si Aling Carmi... sa aking [experience], ha," saad pa niya, na ang tinutukoy ay "karma."
Matatandaang kinuyog noon ang transgender woman matapos mag-viral ang kaniyang video kung saan makikita ang kaniyang pagsayaw habang tumutugtog ang "Lupang Hinirang."
Lumutang ang pangalan ng social media personality dahil sa mga "mowdeling" videos niya noong 2015, at nakapag-guest pa sa "Gandang Gabi Vice" ni Vice Ganda.
KAUGNAY NA BALITA: Maria Sofia Love, ibinahagi ang 'pagbabalik-loob' sa Diyos