June 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maria Sofia Love, ibinahagi ang 'pagbabalik-loob' sa Diyos

Maria Sofia Love, ibinahagi ang 'pagbabalik-loob' sa Diyos
Photo courtesy: Artista Salon, Maria Sofia Love/Sanchez (FB)

Marami ang nagulat sa ibinahagi ng kilalang transgender woman na si "Maria Sofia Love" matapos niyang ibahagi ang kaniyang umano'y pagbabalik-loob sa Diyos.

Sa kaniyang isinagawang Facebook Live, sinabi ni Maria Sofia na sinisikap niyang bumalik sa kung "ano siya" noon bago siya magdesisyong maging trans woman.

Hindi raw niya naisip na noong bumagsak siya sa buhay ay doon na rin gumuho ang mga "walls" na mayroon siya lalo na pagdating sa kaniyang pananampalataya sa Poong Maykapal.

Sa kaniyang Facebook posts ay muli niyang ipinaliwanag ang kaniyang pagbabalik-loob sa Panginoon, kahit sa umpisa raw ay hindi niya alam kung paano magsisimula.

Tsika at Intriga

Luis Manzano, 'tinodas' sa social media pero buhay na buhay pa rin

"Lumaki akong kulang na kulang sa pagmamahal, so, hinanap ko 'yon sa mga lalaki. Yung approval, 'Wow! You're so beautiful! Wow!' Hinanap ko 'yon sa pagpaparetoke, panghaharbat. Basically, 'yong pagmamahal na kulang na 'yon sa puso ko, hinanap ko siya sa mga material na bagay na mga nawawala, nasisira, nabubulok Kaya pala, pighati ang ending ng lolo mo."

Hanggang sa isang araw ay nakita na lamang daw niya ang sarili sa bulto ng isang "lalaki."

One day, di ba, tayo, maliligo tayo, di ba? Sanay tayo sa, 'Ay! Ang ganda ng katawan.'

"Titingin sa salamin. Aba, you know what happened? Nung pagtingin ko sa salamin, bigla ko na lang nakita ang sarili ko na lalaki."

"And then, nakita ko ang buong buhay ko in an instant kung saan ako nagkamali, ano 'yong mga wrong turns ko, anong reason bakit ako naging bakulaw, bakit ako mayroon same-sex attraction."

Hanggang sa doon na raw siya nagkaroon ng "enlightenment" at tinalikuran na niya ang mundo.

"Hindi ko alam yung hinahanap ko, Diyos lang pala 'yon, totoo pala ang Diyos."

"Totoo pala ang Diyos, na Siya lang yung hinahanap ko, na noong napuno na Siya sa buhay ko, wala na akong ibang gusto, kung hindi Siya lang," aniya pa.

Kaya naman mensahe niya sa mga batang beki, "Hi , 7 years ko tong hinintay simulang personal na nakilala Ang dios , hinintay ko Ang tamang Oras nya, sana nahipo nang dios Ang puso nyo, sana may natutunan kau sa buhay na pinagdaan ko at sana di sha magaya nang mga batang beki, nung natangap ko Ang sarili ko at Hindi Ung inakalang ako, nasagot Ang katanungan bakit ako gumigising ? San ako patungo at anung gagawin ko sa buhay at sana masagot nyo din un. Salamat sa bonding naten ha , sana magkita tau muli.(deactivating this account again)."