June 08, 2025

Home BALITA National

MagPASchedule ka na! DOH, may online Patient Appointment System na

MagPASchedule ka na! DOH, may online Patient Appointment System na
Photo courtesy: DOH (FB)/Pixabay

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Online Patient Appointment System (PAS) para sa pagpapa-schedule ng mga pasyente sa check-up.

"Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na gawing tunay na ramdam ng Pilipino ang serbisyong pangkalusugan, inilunsad ng DOH ang Patient Appointment System (PAS)," mababasa sa post ng DOH sa kanilang official Facebook page.

"Sa PAS, sigurado ang schedule ng iyong check-up sa iyong napiling ospital, araw, at oras!" anila.

Sa loob lamang daw ng tatlong minuto ay puwede nang makakuha ng appointment schedule sa pangunahing DOH hospitals sa Metro Manila para sa mga outpatient services na kailangan ng pasyente, gaya ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), San Lazaro Hospital (SLH), at Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJFMH).

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Para sa iba pang detalye, magtungo lamang sa opisyal na Facebook page ng DOH.