Hindi nakalusot ang lola ni “Encantadia Chronicles: Sang'gre” star Bianca Umali na si Lola Vicky sa fast talk ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinorpresa ni Lola Vicky si Bianca matapos niyang bumisita sa studio.
At nang tanungin nga ni Boy ang matanda tungkol sa pagpapakasal ng apo niya kay Kapuso star Ruru Madrid, walang nagawa si Lola Vicky kundi sumagot.
“Sa inyong pananaw po, Mama, handa na si Bianca mag-asawa sila ni Ruru?” usisa ni Boy.
Tugon ni Lola Vicky, “Pag-iisipan ko muna.”
Pero kahit pinag-iisipan pa ang tungkol sa pagpapakasal ng kaniyang apo sa Kapuso actor, ayos naman daw para sa kaniya si Ruru.
“Minsan, Tito Boy, mas apo pa ‘yong turing kay Ruru kaysa sa akin. Gano’n talaga niya kamahal,” sundot naman ni Bianca.
“Kasi mabait na bata,” dugtong ni Lola Vicky.
Matatandaang inamin ni Bianca sa isang panayam noong Hulyo 2024 na confident daw siyang sa kasalan daw mauuwi ang kanilang relasyon ni Ruru.
MAKI-BALITA: Bianca Umali, handa nang magpakasal kay Ruru Madrid?