December 13, 2025

Home BALITA National

Torre, 'umusok' phone dahil sa mga natanggap na suporta bilang PNP Chief

Torre, 'umusok' phone dahil sa mga natanggap na suporta bilang PNP Chief
Photo courtesy: via MB

Nagpahayag ng kaniyang pasasalamat ang bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief. Gen. Nicolas Torre III sa mga nagpaabot ng suporta sa kaniyang promosyon.

Aliw naman ang Facebook post ng bagong PNP Chief matapos niyang sabihing "umuusok" na ang phone niya na nangangahulugang kaliwa't kanan ang pasok ng mga mensahe para magpaabot ng pagbati at suporta sa kaniya.

"Salamat sa inyong suporta. Text po muna at umuusok na phone ko. Salamat po uli!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Nicolas Torre III (FB) via GMA News

Si Torre ang papalit kay PNP Chief Rommel Marbil na magreretiro na sa Hunyo 7 ngunit ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na siyang nag-anunsyo ng pagkakatalaga kay Torre, ay nakatakdang isagawa ang turn-over of command sa Hunyo 2.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

KAUGNAY NA BALITA: Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin