December 15, 2025

Home SHOWBIZ Events

PBB original hosts: 'Kuya's Angels,' nag-reunion

PBB original hosts: 'Kuya's Angels,' nag-reunion
Photo courtesy: Mariel Rodriguez-Padilla (IG)

Masayang-masaya ang mga tagasubaybay ng reality show na "Pinoy Big Brother" matapos makita in one frame ang mga original hosts nitong sina Toni Gonzaga-Soriano, Mariel Rodriguez-Padilla, at Bianca Gonzalez-Intal o mas kilala rin bilang "Kuya's Angels."

Nagkrus muli ang landas ng tatlo sa birthday party ni Linggit Tan, kilalang managing producer sa ABS-CBN.

"Happiest Birthday, Tita Linggit Tan! Only you could pull off a reunion like this—our PBB OG gathering! It was such a joy to see everyone again," mababasa sa caption ni Mariel.

Sa comment section ay mababasa naman ang masayang komento ni Toni, "Kuya’s Angels! @iamsuperbianca "

Events

Tuesday Vargas, may paalala sa Pasko: Hindi mandatoryo ang pamimigay ng regalo

Sey naman ni Bianca, "Sobrang saya to see you both and everyone again..."

Marami naman sa mga netizen ang humirit na baka puwedeng makabalik na sina Toni at Mariel sa hosting ng PBB, lalo na ngayon at matagumpay ang celebrity collab edition ng ABS-CBN at GMA Network.

Matatandaang nagbitiw bilang main host ng PBB si Toni matapos ma-bash nang suportahan ang UniTeam at maging host pa ng proclamation rally noong 2021.

KAUGNAY NA BALITA: Mariel kay Toni: 'Welcome to the outside world!'