Nanumpa na si Engr. Jose Ramon Aliling bilang bagong Kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ngayong Huwebes, Mayo 29, sa Malacañang.
Pinalitan ni Aliling ang dating DHSUD Secretary na si Jose Rizalino Acuzar, na naitalaga naman bilang Presidential Adviser for Pasig River Development.
Batay sa isinagawang komprehensibong assessment sa naging performance, si Aliling ang magpapatuloy sa mga proyekto ng pamahalaan patungkol sa settlements at urban development. Isa pa, siya rin ay hindi na bago sa kagawaran dahil naging undersecretary siya nito.
Sa isinagawang ceremonial turnover noong Lunes, Mayo 26, sinabi ni Aliling na tututukan niya ang flagship ng pamahalaan na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program.
"4PH will now include horizontal developments. We will prioritize the preparation of the 4PH guidelines for horizontal developments. In doing so, we can expect 4PH numbers to improve significantly,” aniya.
Sinabi naman ni Aliling na "zero tolerance" siya pagdating sa korupsyon.
Samantala, nag-oath taking din ang bagong Solicitor General ng dekana ng University of the Philippines College of Law at de-kalibreng abogadong si Darlene Berberabe bilang bagong Solicitor General, kapalit ni Menardo Guevarra.
MAKI-BALITA: Dekana ng UP College of Law, bagong SolGen
Matatandaang kamakailan lamang ay umapela si PBBM ng "courtesy resignation" sa mga miyembro ng kaniyang Gabinete para sa kaniyang "recalibration" para sa responsive at effective governance.