May 30, 2025

Home BALITA Politics

Sotto, iginiit na walang 'independent bloc' sa Senado

Sotto, iginiit na walang 'independent bloc' sa Senado
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Nilinaw ni Senator-elect Tito Sotto III na hindi raw nag-eexist ang isang “independent bloc” sa Senado.

Sa panayam ng media kay Sotto nitong Miyerkules, Mayo 28, 2025, binigyang-diin niyang pawang majority at minority lamang daw ang mayroon sa Senado at walang tinatawag na independent bloc.

“I don’t foresee what I heard from another colleague saying mayroong (there are) independent blocs; there’s no such thing. You’re either with the majority or you’re not,” saad ni Sotto.

Matatandaang minsan nang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na mas gugustuhin niya raw tumayo bilang independent bloc sa Senado kaysa sumama raw sa tropa nina Sen. Bato dela Rosa na nauna na ring nagsabing solidong “Duterte bloc” daw sila na inaasahang magiging minority.

Politics

Tañada, itinangging bahagi ang LP ng 'super majority'

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, walang balak sumama sa 'Duterte bloc' sa Senado

Inungkat din ni Sotto ang nakatakdang pagboto sa susunod na Senate President ng Senado. 

“If you vote to elect a Senate president, you are a majority; if not, minority. It’s that simple, there is no other interpretation,” aniya.

Kabilang si Sotto sa hanay nina Sen. Imee Marcos at Senate President Chiz Escudero sa mga napipisil umanong tumayong Pangulo ng Senado sa pagpasok ng 20th Congress.

KAUGNAY NA BALITA:  Senator-elect Erwin Tulfo, kinumpirma panliligaw nina Escudero, Sotto para sa suporta maging Senate President

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, ikinokonsidera daw maging Senate President?