Tumangging magbitiw sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos ang direktiba niyang “courtesy resignation” sa kaniyang gabinete.
Sa panayam ng mga delegado ng media sa Kuala Lumpur noong Martes, Mayo 27, sinabi ni Marcos na wala raw sa ugali niyang takbuhan ang mga problema.
''I will resign? Bakit ko gagawin 'yon? Wala sa ugali ko ang tinatakbuhan ang problema,” saad ng pangulo.
Dagdag pa niya, “So, what good will that do?”
Matatandaang binanatan si Marcos ng kaniyang dating executive secretary na si Vic Rodriguez kaugnay sa direktiba niyang magsumite ng "courtesy resignation" ang mga miyembro ng gabinete.
MAKI-BALITA: Vic Rodriguez kay PBBM: 'Kahit magpalit-palit ka pa ng cabinet secretary, ang problema ikaw mismo'