Hindi raw nagbabatay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa iisang survey upang maging basehan lang ng kaniyang performance sa pamununo sa buong bansa.
Sa panayam ng media kay PBBM noong Martes, Mayo 27, 2025, hinikayat niya ang publiko na ‘wag lang daw maniwala sa iisang survey.
“Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,” anang Pangulo.
Bahagya ring kinuwestiyon ng Pangulo ang pinanggagalingan ng naturang survey.
“That is one source of information, and you have to understand where it's actually coming from,” ani PBBM.
Matatandaang noong Lunes, Mayo 26 nang ilabas ng Pulse Asia ang kanilang pinakabagong survey na isinagawa raw mula Mayo 6 hanggang 9 kung saan isa sa mga ito ay nagpakita ng malaking deperansya ng datos sa pagitan nina PBBM at mag-amang sina Vice President Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Mag-amang Duterte, 'most trusted' pa rin ng mga Pinoy—Pulse Asia
Nakalathala rin sa datos ng Pulse Asia ang naging kabaligtaran ng survey kung saan nanguna naman ni PBBM sa mga hindi pinagkakatiwalaan, matapos siyang makakuha ng 42% sa kabuuang datos. Habang 25% ang nagsasabing hindi sila kumbinsido kay VP Sara at 17% naman kay dating Pangulong Duterte.
Saklaw din ng nasabing survey ang mga isyung kinahaharap ng mga Duterte kagaya na lamang ng nakabingbing impeachment trial ni VP Sara at pagkakakulong ni dating Pangulong Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC).
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD