May 29, 2025

Home FEATURES Katatawanan

Netizen, nawalan ng kliyente dahil sa 'wat hafen Vella?'

Netizen, nawalan ng kliyente dahil sa 'wat hafen Vella?'
Photo Courtesy: Freepik, Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT)

Nakakaloka ang ibinahaging karanasan ng isang netizen nang sumalang siya sa nakatakda niyang remote job interview. 

Sa isang post sa Reddit noong Martes, Mayo 27, nilahad ng netizen na nagbabad muna raw siya sa Facebook habang hinihintay ang kaniyang interviewer.

“Then lumabas na naman si ‘wat hafen, Vella’ sa feeds ko. So pinanuod ko na naman siya. Hindi ko talaga mapigilan hindi matawa sa kanya. Tapos biglang nag-pop sa window na nandyan na pala ‘yong interviewer,” saad ng netizen.

Ayon sa kaniya, isa pa naman daw sa kahinaan niya ang pagpipigil ng tawa. 

Katatawanan

Napa-resign ka ba? Biro ng netizens, 'National Resignation Day pala ngayon!'

“Nag-aattempt akong hindi matawa,” aniya, “worse thing that happened, natawa ako sa interview. Sinabihan pa ako ng client, ‘what’s funny?!’”

Dahil dito, nasabihan din siyang seryosohin ang trabaho sa susunod.

“Nasabihan pa tuloy ako ng family ko, ‘wat hafen to interview?’ POTEK,” pahabol pa ng netizen.

Matatandaang mula sa impersonation ni Christopher Diwata kay Taylor Lautner bilang "Jacob" sa “Kalokalike Face 2 Level Up” ng “It’s Showtime” ang nasabing litanya na muling umalingawngaw kamakailan sa iba’t ibang social media platform.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Si Christopher Diwata at ang pamosong ‘What hafen Vella?’