May 30, 2025

Home FEATURES

Iskolar ng bayan, umapela ng tulong; mga magulang, parehong nagka-cancer

Iskolar ng bayan, umapela ng tulong; mga magulang, parehong nagka-cancer
Photo Courtesy: Freepik

Napukaw ang atensyon ng marami sa dulog ng isang Iskolar ng Bayan dahil sa kalagayan ng kaniyang ama’t inang parehong na-diagnose na may cancer.

Sa isang Facebook post ng PUP Sta. Mesa Freedom Wall noong Martes, Mayo 27, humingi ng tulong  si Lilianne Claire Rotap upang masustentuhan ang pagpapagamot sa mga magulang niya.

“My dad has Signet Ring Cell Carcinoma, a rare and aggressive type of colon cancer. He recently underwent cytoreductive surgery - which involved removing parts of his stomach – and he's facing another surgery plus specialized chemotherapy soon,” lahad ni Lilianne.

Dagdag pa niya, habang sinusubukan daw nilang makabawi mula sa pagkalugmok dahil sa nangyari kanilang ama, sunod naman nilang natuklasan ang kondisyon ng kanilang ina.

Katatawanan

Netizen, nawalan ng kliyente dahil sa 'wat hafen Vella?'

“She has Invasive Breast Carcinoma with aggressive features, including tumor necrosis. She hasn't even started treatment yet, because right now, we simply can't afford it,” ani Lilianne.

Sa kasalukuyan, kapuwa estudyante pa si Liliane at ang kapatid niya. Bagama’t sinusubukan umano nilang magpakatatag, wala silang sapat na pera upang maipagpatuloy ang hospital bills ng kanilang mga magulang.

Kaya sa lahat umano ng nais tumulong, maaaring ipadala ang donasyon sa mga sumusunod:

GCash:

- 0935 7840 047 Liezel Yambao

- 0906 641 8985 Lilianne Claire Rotap

Maya:

- 0906 641 8985 Lilianne Claire Rotap

BDO:

- 001980380226 Lilianne Claire Rotap

Maaari ding kumonekta kay Liliane sa pamamagitan ng dalawang link na ito:  https://imgur.com/a/RuzmN9w at https://gofund.me/166d7ea8.