Nangunguna si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona sa listahan ng mga opisyal ng gobyerno na nakakatanggap ng malaking sahod noong 2024.
Ayon sa inilabas na 2024 Report on Salaries and Allowances ng Commission on Audit, pumapalo ng ₱47,968,744.27 gross of tax ang sahod ni Remolona.
Ang siyam na sumunod sa kaniya sa listahan ay kapuwa rin mula sa BSP. Naglalaro sa pagitan ng ₱23M hanggang ₱30M ang kanilang sweldo.
Samantala, si Redentor Tayag Rivera naman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nasa ika-20 puwesto ng listahan ay umaabot sa ₱17,899,592.13 ang sinasahod.