December 13, 2025

Home BALITA

Anak ni Arnie Teves, inihalintulad pagkakaresto ng kaniyang ama kay FPRRD

Anak ni Arnie Teves, inihalintulad pagkakaresto ng kaniyang ama kay FPRRD
Photo courtesy: screenshot from Axl Teves/FB, screenshot ICC/YT

Kumbinsido si si Axl Teves—anak ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.—na inulit din umano sa kaniyang ama ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa Facebook post na ibinahagi ni Axl nitong Miyerkules, Mayo 28, 2025 (araw sa PIlipinas), tahasan niyang inihalintulad kay dating Pangulong Duterte ang sinapit daw ng kaniyang ama sa Timor Leste.

“I think we believe that they are doing as the same thing of what they did to tatay Digong—the former President of the Philippines. Where they will just detain the person illegally and fly him out wherever they want and then just settle everything after. But we do not approve of this and we do not want my father to be flown out of Timor Leste,” saad ni Axl.

Si dating Pangulong Duterte ay naaresto noong Marso matapos magbaba ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga. Kasalukuyan siyang nananatili sa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Binigyang-diin din niya na naipanalo na raw ng kaniyang ama ang kaso sa Timor Leste kung kaya’t ilegal umano ang naging pag-aresto dito.

“Because he has already won in the court, that he can stay in Timor Leste and he cannot be extradited,” aniya.

Matatandaang noong Martes ng gabi, Mayo 27 nang pasukin ng mga awtoridad ang kanilang tirahan sa naturang bansa kung saan inaresto ang kaniyang ama.

KAUGNAY NA BALITA: Axl Teves iginiit na kinidnap, inabuso ang ama niyang si Arnie Teves

Si Teves ang itinuturong na mastermind sa pagpatay kay noo'y Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023. 

KAUGNAY NA BALITA: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo - Sec Remulla