Nausisa si human rights lawyer at ML Party-list 3rd nominee Atty. Erin Tañada kaugnay sa pagsasanib-pwersa ng Akbayan at Liberal Party (LP) sa darating na 2028 elections.
Ito ay matapos ihayag kamakailan ni Senator Risa Hontiveros na posible umano siyang kumandidato sa pagkapangulo pagkatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 2028.
MAKI-BALITA: Sen. Risa, posibleng tumakbo sa 2028 presidential race?
Ngunit sa isang episode ng “Morning Matters” noong Martes, Mayo 27, sinabi ni Tañada na masyado pa raw maaga para pag-usapan ang pagsasanib-pwersa ng dalawang nabanggit na partido.
“Masyadong premature kasi ang kailangang pag-usapan, e, paano iko-convene ‘yong big tent. I think, that’s the first step,” saad ni Tañada.
Dagdag pa niya, “We can't have different candidates coming from the 2022 experience. We just have to have one and in order to get to that one person there has to be a coalition that would agree to this.”
Pero sa ngayon, wala pa raw silang nabubuong ganitong koalisyon na isa umanong mahalagang hakbang bago sila tumalon patungo sa diskusyon hinggil sa proseso ng pagpili kung sino ang tatakbo sa 2028 elections.