Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na maaari na ring makaabot sa minimum wage earners ang bentahan ng ₱20 na bigas sa mga Kadiwa market.
Sa panayam ng media kay DA Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa nitong Miyerkules, Mayo 28, 2025, kinumpirma niyang nagkasunod raw sina DA Secretary Francisco Laurel Tiu at Labor Secretary Bienvenido Laguesma upang maipatupad ang naturang plano.
Inaasahang mararamdaman ng mga minimum wage earners ang plano ng ahensya sa susunod na buwan kung saan nasa 120,000 karagdagang benepisyaryo raw ang maaaring makabinabang dito.
Ayon pa kay De Mesa, sapat daw ang supply ng bigas na nasa 1.2 million kilograms upang makaaabot ito sa mga minimum wage earners.
“So, iyong supply natin galing sa National Food Authority, sinisigurado natin na sapat at makakaabot iyan hanggang sa matapos iyong December ngayong taon,” ani De Mesa.
Matatandaang noong Mayo 13, nang muling ibinalik ng pamahalaan ang bentahan ng ₱20 na bigas matapos itong ipatigil ng Commission on Elections (Comelec) upang maiwasan daw magamit sa pamumulitika sa kasagsagan ng eleksyon.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Wrong timing daw?’ Bentahan ng ₱20 na bigas, sinuspinde hanggang eleksyon
BASAHIN: ALAMIN: Listahan kung saan mabibili ang ₱20/kilo ng bigas ng pamahalaan sa NCR