Namaalam na ang singer-songwriter at OPM icon na si Freddie Aguilar sa edad na 72.
Ayon sa mga ulat nitong Martes, Mayo 27, galing umano sa general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si Atty. George Briones ang nasabing balita.
Matatandaang dating national executive vice president ng PFP si Aguilar.
Pumanaw ang OPM icon ng madaling-araw nitong Martes, Mayo 27, 1:30 a.m. sa Philippine Heart Center.
Nakilala si Aguilar dahil sa ilan niyang awitin tulad ng “Anak,” “Bayan Ko,” “Magdalena,” at “Problema.”
Noong 2019, itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidential Adviser on Culture and the Arts at naging kasapi ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang pamilya at mga mahal sa buhay ng OPM icon.