Ibinahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lagay ng trapiko sa Commonwealth Avenue, Quezon City sa ikalawang araw ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) nitong Martes, Mayo 27.
Matatandaang umarangkada nitong Lunes, Mayo 26 ang muling pagpapatupad ng NCAP sa mga pangunahing kalsada Metro Manila.
BASAHIN: ALAMIN: Mga lugar na apektado ng pagbabalik ng 'No Contact Apprehension'
Sa isang social media post, ibinahagi ng MMDA ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Commonwealth Avenue.
Ayon sa monitoring ng MMDA Traffic Discipline Office - Central Traffic Enforcement District kaninang umaga, makikita umano ang pagpapakita ng disiplina ng mga nagmamaneho ng sasakyan at motorsiklo.
Dagdag pa ng MMDA, bumilis din umano ang travel time ng mga pampublikong sasakyan dahil "mas naging organisado ang daloy ng trapiko."