May 29, 2025

Home BALITA

Adamson, kinondena pag-aresto sa mga residente ng Marihangin

Adamson, kinondena pag-aresto sa mga residente ng Marihangin
Photo Courtesy: Adamson University, Sambilog - Balik Bugsuk Movement (FB)

Nagbigay ng pahayag ang Adamson University kaugnay sa pag-aresto ng mga awtoridad sa 10 residente ng Marihangin sa Bugsuk Island kamakailan.

Sa pahayag na inilabas ng unibersidad noong Lunes, Mayo 26, kinondena ng Adamson ang “grave coercion” na inihain laban sa mga katutubong Molbog.

“Their defense of ancestral land is not a crime but a right protected under the Indigenous Peoples' Rights Act (IPRA),” saad ng Adamson.

Kaya naman nanawagan sila na ibasura ng agaran ang walang basehang kasong isinampa sa mga residente ng Marihangin.

<b>Torre, nakatakda maging ikaapat na hepe sa ilalim ng PBBM admin</b>

Dagdag pa nila, “In unity with Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) and other faith-based institutions, we urge the Adamson community to respond through education, prayer, advocacy, and concrete action for justice.”

Matatandaang naglabas na rin ng pahayag ang CEAP upang umapela sa gobyerno hinggil sa naturang isyu.

“To be Vincentian is to walk with the oppressed. To be Christian is to stand where Christ stood in the margins, with the persecuted. We stand with the Marihangin 10,” pahabol pa ng Adamson.

MAKI-BALITA: CEAP, umapela sa gobyerno matapos arestuhin mga katutubong Molbog